Nasaktan dahil Sinaktan at Nasasaktan dahil Sinasaktan

Nasaktan na tayo, oo. Nasaktan dahil Sinaktan, Nasasaktan dahil Sinasaktan. Sounds the same right?   Dyan ka nagkakamali, Sounds the same. Yet Different meaning. Simulan natin sa "Nasaktan dahil Sinaktan
 Nasaktan dahil Sinaktan
Past tense ito, Kumbaga tapos ka ng saktan ng nananakit saiyo. Madaming paraan para saktan tayo, yung mga bata. Dinapa ng mga Kaaway nilang bata din dahil Hindi sila bati. Kung sating mga Teenagers at sa mga taong may edad na din, san tayo nasaktan? Simulan natin sa mga TeenAgers at mga couples jan. Nasaktan tayo dahil Niloko, pinagpalit, at iniwan tayo sa di malinaw na dahilan. Pero Hindi tayo bilanggo ng pesteng nakaraan, kaya eto tayo nagsisimula at hinahanap ang tunay na buhay natin nung hindi pa natin nakilala yung taong nanakit saatin. Lahat tayo nasaktan na, lahat tayo may iniyakan na, pero hindi ba natin naisip na Hindi lang sila ang tao sa mundo. Ako, madalas kong maisip yon. Bakit? Dahil alam ko, nagmahal ako ng taong hindi nilaan ng dyos para sakin. Sabi nga nila, wag mong madaliin ang pagibig, ni wag mo hanapin, hintayin mo. Dahil sa oras na hinanap mo sya, darating at darating ang oras na masasaktan nanaman tayo. Sa oras na ito, May naiisip ka ba? Naiisip mo ba yung taong sinaktan ka? Minsan ba? nagtanim ka na ng galit sa taon yon? Hanggang ngayon ba ramdam mo padin yung sakit at galit na binigay nya sayo? Alam mo, hindi mo dapat sya pagtaniman ng galit, dapat nga nagpapasalamat ka, dahil kung hindi ka nya iniwan o sinaktan, baka kung hindi ka nya iniwan, baka wala ka ng pagAsa mahintay yung taong nilaan saiyo ng dyos, at kung hindi ka nya sinaktan, hindi ka magiging malakas physically & Emotionally. Bata pa tayo, Darating at darating din ang araw na makikilala natin yung taong para saatin. 
Kung sa mga may Edad naman (pwede din sa mga taong iniwan na ng mga mahal sa buhay) , Nasasaktan tayo dahil tayo'y iniwan na ng mga mahal natin sa buhay. Been there before, My Grandpa died when I was 8 years old. Yet, I can still feel his Presence. Kahit nawala, o pumanaw na ang ating mga mahal sa buhay, andyan at andyan padin sila sa tabi natin.  Andyan sila naninirahan sa loob ng puso natin, Kahit ilang taon pa man ang lumipas, hinding hindi sila mawawala dyan sa tabi at sa puso natin. hindi natin sila malilimutan, dahil sila ay may malaking parte sa buhay natin. Kinuha na sila ng Ama natin (Jesus), sila'y ligtas at masaya na kasama sya. Kinuha man sila, ngunit sila'y buhay padin ang presensya sa buhay natin. 

Nasasaktan dahil Sinasaktan.
Nasasaktan na tayo dahil sa mga taong nasa paligid natin. yung iba sinasaktan dahil hindi nila mahal. yung iba naman Nasasaktan dahil sila'y nagtatanga tangahan. This part is about love. so read carefully. Sino na sainyo ang nagtatanga tangahan? Alam ko. Isa ka na doon. So, sisimulan na nating ang "sinasaktan dahil hindi nila mahal"

sinasaktan dahil hindi nila mahal : Nagmamahal ka ng isang taong hindi ka kayang mahalin. yung tipong, nasa isang relasyon ka, pero hindi ka mahal ng taong yon. parang PIKOT lang, hindi ka mahal pero Bf/Gf mo.  Eh yung Mahal mo, pero sinasabing mahal ka din nya. pero ramdam mong hindi ka nya mahal. HALOS LAHAT TAYO NARANASAN NA YAN !!!  
Tao tayo, nagmamahal. at nasasaktan din. marunong din tayo sumuko sa oras na kailangan na nating itigil ang kagaguhan o kahibangan natin. Yung Mahal mo sya, di ka mahal. Sasabihing mahal ka kahit hindi naman talaga. Tanga right? yung tuloy tuloy padin tayong nagmamahal ng taong hindi naman tayo mahal. Minsan, iisipin nalang ng ibang tao na PINAGSISIK SIKAN nating ang sarili natin sakanila. Kahit sabihin nating nagmamahal ka lang. kaya handa kang masaktan ng bongga. minsan tawag dyan katangahan na talaga. Lalo na kung pinagtatabuyan ka na talaga. tsk! Minsan tawag na don, kamartyran. WAKE UP !! gising na. Magising ka sa katotohanan, na hindi ka nya mahal. hindi mo kailangan magpanggap na OK lang sayo ang lahat. na kunwari hindi ka nasasaktan. Well, kung gusto mo malaman bakit kailangan mo na gumising sa katotohanan . Eh basahin mo ang mga susunod kong parata. 


 Nasasaktan dahil sila'y nagtatanga tangahan : Basahin mong maigi ito. GUMISING KA NA SA KATOTOHANAN !!!! Yung alam mong niloloko ka na. pero ikaw padin si tangang minamahal sya. Yung kahit ayaw nya na sayo Mahal mo padin, at hindi mo sya kayang iwan. dahil iniisip mo na hindi mo kayang mabuhay dahil wala sya. Tao ka diba? Siguro naman nagaaral ka? OXYGEN, O AIR ang dahilan ng pagkabuhay natin! hindi sya OXYGEN kaya kaya mong mabuhay ng wala ka. Ilang taon ka na bang nabubuhay? matagal tagal na din. hindi ba? sa tagal ng buhay mo? kelan mo lang sya nakilala? Isang taon? dalawang taon? o Mas higit pa. pero hind ka naman abnormal para mamatay dahil wala na kayo diba? jusko te!! GISING NA KASI. kung hindi mo alam meaning ng OXYGEN isearch mo kay pareng google. nako ka! tsk tsk. 






-- That's all folks. ipagpapatuloy ko nalang ang panenermon este ang pag tapos ng part na ito sa susunod na araw. dahil ako'y dakilang antukin :D sana alam nyo ibigsabihin ko. inaantok na ako!!! matutulog muna ako. ahha :)) i love you guyys. <3 Share. & Comment ha :) :) :) :D